1.9.10

Instant Ninong

September na! Mga 100+ na lang na tulog ay pasko nanaman. Naaalala ko pag malapit na ang Christmas na lagi kaming excited ng ate ko sa mga pwede kong makuha na regalo kay Santa Claus mommy at sa auntie at ninong ko (actually ninong siya ng ate ko, nakiki-ninong lang ako kasi wala akong maalalang ninong ko talaga) na galante kung magregalo. Pero siyempre ngayon, ang excited na e ang mga tao na bibigyan mo ng regalo.

Kanina, ang pangunahing "hello" saken ng kasamahan ko sa trabaho na sabihin na nating hindi mo maituturing na close friend pero hindi din naman siya total stranger saken. Ka-batch ko si "Madame" sa training (o di ba give-away na ito sa mga ka-batch ko sa training!), pero sa palagay ko e hindi kasya ang isang buwan para masabi niyang pwede na akong maging ninong ng anak niya sa binyag! Sobrang biglaan nga kasi sa linggo na ang binyag, four days na lang, at sa Tarlac pa! Oh well, i said yes anyway, so ayun: instant ninong ako. Iisipin ko pa tuloy ang regalo sa binyag, etong darating na pasko at birthday niya sa February (matagal ako mag-isip at hindi maganda mag-regalo so it's not my problem anymore, it's their problem anymore!).

Pero napapaisip pa din ako, bakit kaya ako kinuha ni "M" na ninong? Aaah, siguro kasi cute ako at smiling face. Charot lang!

18.8.10

What's your question?

Panalo talaga itong classmate kong si Masconi. Lunchtime ay nagtatanungan kami ng random questions..

Toto: Kung may magiging kamukha kang artista, sino ito?
Masconi: Kung may magiging kamukha kang kontrabida, sino ito?
T: Kung ikaw ay isang hayup ano ka?
M: Kung ikaw ay isang peste, ano ka?

Hanep naman talaga, lahat ng tanong ko may counterpart na negative sa kanya! Grrr.

Bago mag-uwian ay naka-tag na kaming lahat ng classmates ko sa isang picture ng Bangsilog sa Facebook niya at may comment na nagtatanong:
M: Kung ikaw ay isang itlog, anong klaseng luto ka?
T: ....(after 10 minutes) binateng itlog, just beat it!
Siempre ako din may tanong na kinabog niya ang sagot!
T: Kung ikaw ay isang bangus, bakit? anong luto ka?
M-....(after 5 seconds) relyeno, siksik sa laman!
Napatumbling kami sa bilis niyang sumagot. Para bang isa ito sa mga common questions sa kanya na ka-level ng what's your name? at how old are you? Nakakatuwa.

May isa pa pala kaming game sa class, ang Hot Seat. Ang goal lang naman nito ay i-grill ang isang tao na naka-upo at kailangan niyang sagutin ang lahat ng tanong sa kanya, may sense man ito o wala.
Ang unang nasabak sa Hot Seat ay si Frankie Francheska. Pinasabi sa kanya ang top 3 crushes niya sa batch, napablush naman ako kasi top 1 ako! Flattering ba dapat un? Oo naman! Ah basta ako pag nalalaman kong merong may crush saken babae man o lalake e natutuwa ako kasi minsan lang mangyari to kaya wala na akong pakialam sa mga sumunod na na-Hot Seat sa kanya kasi hindi na ako involved at ang boring na. Aun lang. K. Thanks. Bye!

17.8.10

Everybody's Fine


Kanina ay natapos ko na rin panoorin ang pelikulang ito na nagpasakit sa dibdib ko. Isa sa mga idolo kong artista sa Hollywood ay si Robert De Niro at napakaconvincing ng character niya dito. Ito ay isang kwento ng tipikal na pamilya na may problema na hindi ko pwedeng sabihin kung ano dahil doon umiikot ang kwento nito. Pero ang masasabi ko lang ay naiyak ako dito heartwarming ito at kung mababaw ang luha mo o nakakarelate ka ay siguradong tatamaan ka. Hindi madami ang characters kaya madali silang lahat makilala. Kung madali kang antukin sa mga mabagal na pelikula e huwag mo na itong panoorin at makakatulugan mo lang sigurado pero kung nasa senti mode ka, e why not! May magandang lesson din naman sa huli.


16.8.10

Buwan ng Wika

Nakakatuwa sa opisina kanina. Unang araw pa lang ng ikatlong linggo ko sa training sa bago kong trabaho pero medyo tinatamad na ako kasi puro facebook, youtube, lectures at tests lang ang ginagawa. Sa isang BPO o Business Process Outsourcing company ako nagta-trabaho. Masaya naman pero hindi ko pwedeng sabihin kung saan (hindi talaga pwede unless gusto ko matanggal). Bago kami umuwi kanina ay natuwa lang ako sa isang activity na ginawa namin: lahat kami ay magsusulat ng sikreto sa isang papel at iiwang anonymous ito. Babasahin sa harap ang secret sa papel at susubukan naming hulaan kung kanino ito. Pwede mong aminin pag narinig mo ang sikreto mo o mag-busy busyhan para kunwari hindi ikaw yun. Masaya siya laruin. Madaming sikreto ang okay kasi nakakatuwa at mapapa-WTF ka! meron din namang boring, corny, pwede na.
Example: (kayo na bahala kung pumapasok ito sa WTF o pwede na)

1. "Nakipag date ako sa isang 35 y.o. na guy kapalit ng bag at kung ano ano pa." (inamin naman ni k___z_ na siya ang mejo gold digger na ito. peace. hehe)
2. "Umuwi ako sa bahay namin ng lasing.. as in super." (madaming natawa kaya siguro nahiya umamin ang nagsulat. e kasi naman, nangyayari ito sa lahat. maging saken nung high school ako. siguro nahiya siya kasi dinagdagan pa niya ng "as in super" pero tinawanan lang namin)
3. "I slept with two women at the same time. Magkapatid." (umamin saken kung sino to e pero hindi ko sasabihin kung sino. basta sure ako panalong panalo siya!)
4. "I shave everything!" (hindi ako to pero hindi din ako nagulat na seatmate ko ung nagsulat nito. gusto daw niya malinis e. take note lalaki siya. baka mamula siya pag nabasa niya to. peace)

May isang secret lang na hindi nabasa pero share ko na din (close naman kami e) at medyo nakakaasar pa nga kasi akala namin finale ung sikreto niya un pala nakaligtaan na:
5. Nakulong na siya kasi matapang siya. hehe.

Nagpapasalamat ako kasi nagkaroon tayo ng ganitong activity at naisiwalat ko ang mga secrets niyo.
Try niyo din minsan laruin to.
Aun... share ko lang.

PS: Last post ko June 27, 2009 pa. Ang tagal bago nasundan pero madami na akong oras ngayon kaya sana makapagsulat ako madalas. Ung title pala ang dahilan kaya Tagalog ang post ko.

27.6.09

Trip

Yey! I just finished packing my things for a 3-day trip to Tacloban City. I'll be with Potpot who will be moving there permanently, that means I'll go home by myself on Monday. I'll surely miss him. I'm not good in saying goodbyes though.

*It's all over the news, the king of pop is dead. I grew up listening to Michael Jackson and it's a shock that he passed away at a young age of 50; Oh and Farah Faucet is dead hours before Michael did. Kudos to MJ for stealing Farah's thunder (just kidding! I'm sure he didn't want to die that same day, it just happened.)

21.6.09

Got my new havaianas!

Yehey! I would like to thank Ms. Jessie of havaianas for fixing the strap of my pair. I had to leave it in their office for a week until they can find the replacement (because the strap was of the wrong size).
I'm not really into slippers, but I really like my customized pair. =D

13.6.09

Independence!!

Happy 111th Indepence day! It's been a fun day for me. Went around Manila and Quezon City to eat and shop with my cousin Betty who resembles Sitti. =D

Had lunch at Claire dela Fuente's restaurant in Dampa (Pasay City); went home to pick up my sister Jen and we all ate Peachy-peachy and Halo-halo in Razon's (Quezon City); shopped for clothes in SM North (Q.C.); had dinner in Orchid Garden Suites' restaurant (Manila) and end the day with that. I wish we can go visit Betty in Guam soon. =)